Search

Tuesday, September 22, 2009

Marcelo H. del Pilar


Marcelo H. del Pilar.. Ipinanganak siya noong ika-30 ng Agosto taong 1850 sa Cupang, San Nicholas, Bulacan. Ang kanyang mga magulang ay sina Julian del Pilar at Blasa Gatmaytan. Si del Pilar ay nagsimulang mag-aral sa kolehiyong paaralan ni Ginoong Jose A. Flores at lumipat sa Colegio de San Jose at muling lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan huminto siya ng walong taon sa pag-aaral pero natapos din sa kursong abogasya noong 1880Kilala siya bilang si Plaridel isang matalentong tao, marunong magpiyano, biyolin at Plawta. Mahusay din siya sa larong fencing. Kumakanta siya ng mga serenata at tumutugtog ng magagandang awitin sa biyolin tuwing Flores de Mayo. Naging asawa niya ang kanyang pinsan na si Marciana del
Pilar noong 1878. Nagkaroon sila ng pitong anak. Noong 1878, itinatag ni Plaridel ang Diaryong Tagalog para mailathala ang
pagpuna at pagpansin kung papaano namamalakad ang gobyernong
Espanyol sa Pilipinas. Tinulungan siya ni Pedro Serrano Laktaw sa
pagpapalathala ng "Dasalan at Tuksuhan" at ng "Pasyong Dapat Ipaalab
ng Puso ng Taong Bayan." 
Humingi siya ng mga kaukulang pagbabago. Nang pinag-uusig siya ng mga Kastila at noong 1888, tumakas siya patungo ng Espanya. Pagdating sa Espanya ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsusulat. Kasama siya ni Graciano Lopez-Jaena sa paglathala ng La
Solidaridad. Ang pahayagang ito ang naging instrumento sa naglalathala ng kanilang mithiin na mapaunlad ang gobyerno ng Pilipinas. Si Plaridel ang humalili kay Lopez-Jaena bilang editor ng pahayagan. Nagbalik siya sa Pilipinas at sa Bulakan ay natagpuan niya ang mga taong handang makinig sa kanya. Si Del Pilar ay sumulat ng mga propagandistang pamphlet sa paraang maliwanag, mabisa at simpleng Tagalog lamang ang gamit. 
Namatay siya sa sakit na tuberculosis sa isang maliit na ospital sa Barcelona sa gulang na 46.

Emilio Jacinto


Si Emilio Jacinto ay ipinanganak noong December 15, 1875 sa Trozo, Manila.. Siya ay anak nila Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Namatay agad ang kanyang ama ilang sandali lamang matapos na siya ay isilang na nagtulak sa kanyang ina na ipaampon si Emilio sa kanyang tiyuhin na si Don Jose Dizon upang magkaroon ng magandang buhay. Si Emilio ay bihasa sa pagsasalita ng Tagalog at Kastila pero mas gusto niya ang Kastila. Siya ay nag-aral sa Kolehiyo ng San Juan de Letran at nang maglaon ay lumipat sa Pamantasan ng Sto. Tomas para mag-aral ng batas. Hindi niya natapos ang kurso at sa edad na 20 ay sumapi siya sa isang sikretong samahan na ang pangalan ay Katipunan. Nakilatis ni Bonifacio ang dunong at katapatan ni Jacinto, kaya hinirang niya itong kalihim at fiscal ng Katipunan. Sinulat niya ang sumpang mga sumanib sa Katipunan, at ang kartilya na dapat sundin ng bawat Katipunero. Katulong niBonifacio at ni Valenzuela, sinulat, pinatnugot at nilimbag nila ang Kalayaan, ang pahayagan ng himagsikan. Si Jacinto rin ang nangasiwa ng paggawa ng pulbura at bala ng baril. Siya rin ang pinuno ng mga tiktik  ng Katipunan. Nang mamatay si Bonifacio, ipinagpatuloy ni Jacinto ang paglaban sa mga Kastila bagamat hindi siya sumali sa puwersa ni Aguinaldo. Namatay si Emilio Jacinto sa sakit na malaria noong Abril 16, 1899 sa Majayjay, Laguna sa edad na 23.

Sunday, September 20, 2009

Apolinario Mabini






Si Apolinario mabini ay ipinanganak sa Talaga, Tanauan Batangas noong ika- 23 ng Hulyo, 1864 ng mga pulubing magulang at pinahirapan habang buhay ng paralitiko, si Apolinario mabini ay lumaki pa rin bilang isang magaling na manunulat, abogado at makabayan. Kilala siya bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusiyon. Siya ang pangalawa sa walong anak ni Inocencio Mabini at Dionisia Maranan. 
Sa kabila ng kahirapan, si Mabini ay nakatamo ng sertipiko bilang guro noong Marso ng 1887 at nakatapos ng abogasiya noong 1894. Siya ay tinanggap sa Hukom noong 1895. 
Minalas siya noong 1896 nang nagkasakit siya ng trangkaso na siyang naging sanhi ng kanyang pagiging paralitiko nang pang-habang buhay. Sa kabila nito ipinagpatuloy pa rin niya ang  trabahong notariyo at sinuportahan niya ang kilusang reporma na siyang naging dahilan ng kanyang pagkabilanggo hangang Hunyo ng 1897. 
Nang dumating ang himagsikang Pilipino at Amerikano,
si Mabini ang naghikayat sa kanyang mga kababayan na lumaban at  mamatay para sa ating kalayaan. Nilikha niya ang kanyang pinka-tanyag na "
Ang Tunay na Dekalogo". 
Si Mabini ay nagsilbing tagapayo ni Heneral Emilio Aguinaldo. Pinayuhan niya si Aguinaldo na palitan ang diktadurang anyo ng panahalaan sa rebolusiyonaryo. Inayos niya ang mga bayan at probinsiya at ang husgado at mga puwersang pulis, at nilkha niya ang mga alituntunin ng hukbong sandatahan. Noong nagpulong-pulong ang Rebolusiyonaryong Kongreso sa Barasoain, Malolos, Bulacan siya ang naging Pinunong Ministro ni Aguinaldo. Tumulong siya sa pag-likha ng Saligang Batas. Samakatuwid, nararapat lamang na tawagin siyang "Utak ng Rebolusiyon." Nagpatuloy pa siya sa pag-likha ng mga artikulo sa pagtaguyod  ng reporma habang nagtatago, subalit  siya ay hinuli ng mga Amerikano noong ika-10 ng Septiyembre,1899. Pagkatapos na siya'y palayain noong ika-23 ng Septiyembre, 1900; siya ay nanirahan sa Nagtahan, Manila, kung saan siya ay sumulat para sa mga lokal na pahayagan. Noong ika-5 ng Enero, 1901 siya ay pinalayas sa Guam dahil sa kanyang mga sinulat gaya ng "El Semil de Alejandro" sa "El Liberal." 
Sa paniwalang wala na siyang ibang paraan at dahil sa akalang mas madali siyang magsilbi sa kanyang mga kababayan kung siya ay bumalik sa Pilipinas, siya ay nangako ng pagkampi sa Estados Unidos noong ika-26 ng Pebrero, 1903. Siya ay namatay sa Nagtahan, Manila noong ika-13 ng Mayo, 1903 sa gulang na 39. .

Apolinario abini

Melchora Aquino


Si Melchora Aquino ay ipinanganak noong Enero 6, 1812, Siya ay tinawag Tandang Sora at kilala din bilang INA NG KATIPUNAN.. Siya ay hindi nagkaroon ng pagkakataong mag-aral subalit kung pakikipagkapwa tao ang pag-uusapan ay nasa kanya na ang mga katangiang maaring ituro ng isang guro sa paaralan, subalit natuto siyang bumasa. Ang kanyang mga magulang ay mga mahirap na magsasaka, sina Juan at Valentina Aquino, sa BaniladCaloocanSiya ay may isang maliit na tindahan sa Balintawak. Siya ay matanda na  noong sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio noong taong 1896.
Siya ay ikinasal kay Fulgencio Ramos, isang cabeza de barrioay may anim na anak. Namatay si Ginoong Ramos noong pitong taong gulang pa lang ang kanilang bunsong anak. Mula noon siya na ang nagtaguyod sa buong pamilya at hindi muling nagpakasal.
Noong Agosto, 1896, ang kalupitan ng mga Kastila ay lalong tumindi dahil sa pagkakatuklas ng nalalapit na paghihimagsik ng mga katipunero ni Andres Bonifacio. Maraming mamamayan ang hinuli at pinahirapan at pilit na pinagtatapat ng tungkol sa mga lihim ng Katipunan. May mga nakatakas at sa kagubatan nakapagtago at dito nila nakatagpo si Tandang Sora. Kinupkop sila ng matanda, pinakain at pinabaunan ng konting salapi at pinapupunta sa lugar na ligtas sa pag-uusig ng mga Kastila. Lahat ng dumudulog sa munting tahanan ni Tandang Sora ay kanyang pinagyayaman, bata man o matanda, babae o lalaki.
Nang malaman ng mga EspaƱol ang gawain ni Tandang Sora, na siya ay tumutulong sa mga revolucionariong Pilipino, dinakip siya at, utos ni Gobernador Heneral  Camilo Polavieja, ipinatapon saMarianas Islands. Kilala ito sa Pilipinas bilang Guam.. Bumalik sa Pilipinas si Tandang Sora nang ito ay nasa pamahalaan na ng mga Amerikano. Matandang-matanda na siya at walang nalalabing ari-arian. Nabuhay siyang isang dukha at namatay sa karalitaan noong Marso 2, 1919.

Emilio Aguinaldo



Si Emilio Aguinaldo ay ipinanganak noong Marso 22, 1869 sa Kawit, Cavite. Siya ay ikapitong anak ng alkalde ng bayan ng kawit. Sa edad na 15, nagpatala siya sa Colegio de San Juan de Letran sa Maynila, kung saan siya nag-aral ng medisina... Siya ay isang Pilipinong heneral, pulitiko at pinuno ng kalayaan at isang bayani na nakibaka para sa kalayaan ng Pilipinas. Ipinatapon si Aguinaldo sa Hong Kong noong 1888 at palihim na bumalik sa Luzon ilang taon ang lumipas at noong 1895 sumapi si Aguinaldo sa Katipunan, isang lihim na samahan na pinamumunuan noon ni Andres Bonifacio, na may layuning patalsikin ang mga Espanyol at palayain ang Pilipinas. Nakipaglaban ang mga Espanyol laban sa mga rebelde sa pamamagitan ng pwersang militar at panunuhol sa mga pinuno ng mga rebelde. Tinanggap ni Aguinaldo ang alok na pera at ginamit ito sa pagbili ng dagdag na armas para sa rebelde sa halip na bumalik sa pagkakatapon. Noong 1898, nagsimula ng Digmaang Espanyol-Amerikano at napikapag-ugnayan si Aguinaldo sa mga Amerikanong opisyal sa pag-asang tutulong sila sa kanyang pakikipaglaban para sa kalayaan. Ipinahayag ni Aguinaldo ang kalayan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 at inihalal siya ng Kapuluan ng Saligang-batas ng Pilipinas bilang pangulo noong Enero 1, 1899. Nang sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga tropang Amerikano at mga Pilipinong makakalayan, ipinahayag ni Aguinaldo ang digmaan laban sa Estados Unidos noong Pebrero 4, 1899. Pinamunuan ni Aguinaldo ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya ay mahuli noong 1901 ni US General Frederick Funston. Tinanggap niya ang alok na ililigtas ang kanyang buhay kung ipapangako niya ang kanyang katapatan sa Estados Unidos. Isang malungkot na desisyon ang ginawa ni Aguinaldo dahil matapos siyang ipagtanggol ng kanyang mga magigiting na heneral, tulad ni Gen.Gregorio del Pilar,sumuko lamang siya nang hindi lumalaban. Namahinga siya sa mata ng publiko nang matagal na panahon, hanggang 1935 nang ipahayag siya na kakandidato siya bilang pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas; tinalo siya ni Manuel L. Quezon sa halalan. Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, gumawa si Aguinaldo nakakahiyang pahayag sa radyo ng kanyang pagsuporta sa mga Hapon. Pagkatapos makuhang muli ng mga Amerikano ang Pilipinas, dinakip siya sa pakikipagtulungan sa kaaway, ngunit sa paglilitis nalaman na pinuwersa lamang siya upang gawin ang kanyang mga pahayag (binantaan siya ng mga Hapon na papatayin ang kanyang pamilya), at nalinis din ang kanyang pangalan. Namuhay siyang nakita ang kanyang panghabang-buhay na hangarin, ang kalayaan ng kanyang bansa na natamo noong 1946, at noong 1950 nagsilbi siya ng isang termino sa Council of State bago siya muling namahinga. Namatay siya sa atake sa puso sa Veterans Memorial Hospital sa Lungsod ng Quezon noong Pebrero 6, 1964 sa edad na 94.


Source : Wikipedia

Thursday, September 17, 2009

GABRIELA SILANG

MARIA Josefa Gabriela Cari-o Silang ang buong pangalan ng babaeng bayani na mas kilala bilang Gabriela Silang. Siya ay ang unang Pilipinong babae na namuno sa isang paghihimagsik noong kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas. Nang namatay ang asawa niyang si Diego Silang, ipinagpatuloy niya ang pinaglalaban ng asawa.  Siya ay sinilang noong Marso 19, 1731 sa  Sta Caniogan, Ilocos Sur. Nakilala siya sa kasaysayan bilang ang matapang na si Gabriela.
Sa edad na 20, nakipag-isang dibdib siya sa isang matanda ngunit mayamang kilala sa kanilang bayan. Sa tatlong taong pagsasama ay hindi  sila nagkaroon ng anak at hindi nagtagal ay pumanaw ang asawa ni Gabriela. Taong 1757, nakapag-asawa siyang muli at ito ay si Diego Silang at tubong Caba, La Union. Kusang-loob na sumapi si Gabriela sa kilusan ng kanyang asawa. Masidhing layunin nila ang palayain ang buong bayan ng Ilokos mula sa kamay ng mga mapagsamantalang Kastila. Madalas na kasama si Gabriela sa mga labanan upang sumuporta at ipaglaban ang sariling bayan.
Magiting na lumaban ang asawang si Diego sa mga Kastila at napalaya ang Vigan. Sila ay nanirahan sa Vigan magmula noong Setyembre, 1762, hanggang sa mamatay si Diego at muli nitong pagkabiyuda. 

Ang naudlot na pakikipaglaban ni Diego Silang ay buong giting niyang ipinagpatuloy. Subalit sa kasamaang palad, ang kanyang puwersa ay nawalang laban sa libu-libong lakas ng mga Kastila at kawalan iteres ng mga Ingles nang nilagda ng kasunduan sa pagtatapos ng Pitong Taong Digmaan sa Paris noong Pebrero, 1763. Si Gabriela ay dinakip at binitay noong Setyembre 29, 1763. Siya ay tinaguriang Unang Babaing Heneral at Unang Babaing Martir dahil sa kanyang katapangan at kagitingan para sa kapakanan ng bayan. 

ANDRES BONIFACIO


Si Andres Bonifacio ay namuno sa rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon sa Asya na lumaban sa pananakop ng mga bansang imperyalista sa Europa.
Siya ay isinilang noong ika-30 ng Nobyembre, 1863 sa Tundo, Maynila. Ang kanyang magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalia de Castro. Siya ay nagsimulang mag-aral sa paaralan ni Don Guillermo OsmeƱa sa Melsic subalit siya'y maagang nahinto sa pag-aaral. Bagamat siya'y nahinto sa pag-aaral, marunong siyang bumasa at sumulat, at dalubhasa na rin sa pagsasalita sa wikang Kastila.
Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at pamaypay na gawa sa papel de japon. Nagtrabaho din siya bilang clerk, sales agent at bodegista. Hilig niyang basahin ang mga nobela ni Jose Rizal at nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasama ni Apolinario Mabini.
Noong 1892, matapos dakpin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag ni Bonifacio ang Katipunan o kilala rin bilang "Kataastasan, Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan" (KKK). Sa pagtatag ng Katipunan, kinilala si Andres Bonifacio bilang "Ama ng Rebolusyon" sa Pilipinas. Sa Katipunan, "Supremo" ang kanyang titulo at di naglaon nang itinatag niya ang Pamahalang Mapaghimagsik ay tinawag siyang "Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan".
Sa gitna ng rebolusyon, isang halalan ang naganap sa Tejeros, Cavite, sa kahilingan ng mga Katipunerong Magdalo na ang lumahok ay mula sa Cavite lamang. Nanalo sa pagka-pangulo si Emilio Aguinaldo, Lider ng Katipunang Magdalo at ang Supremo ay naihalal sa mababang posisyong Tagapangasiwa ng Panloob.
Sinubukan ng mga miyembro ng mga Magdalo na kuwistiyunin ang kakayahan ni AndrĆ©s Bonifacio, idineklara ni Bonifacio na walang bisa ang naganap na eleksyon dahilan sa pandaraya sa botohan ng mga Magdalo. Dahil dito, kinasuhan si Bonifacio ng sedisyon at pagtataksil. Ipinahuli at ipinapatay ni Aguinaldo sa kanyang mga tauhan. Iniutos kay Mariano Noriel na ibigay ang hatol sa isang selyadong sobre kay Lazaro Makapagal. Iniutos ang pagbaril kay Bonifacio kasama ang kanyang kapatid na lalaking si Procopio Bonifacio noong ika-10 ng Mayo, 1897 malapit sa Bundok Nagpatong. Hanggang ngayon, hindi pa rin natatagpuan ang labi niya.

Saturday, September 12, 2009

Mga lalawigan ng Pilipinas