Search

Tuesday, September 22, 2009

Emilio Jacinto


Si Emilio Jacinto ay ipinanganak noong December 15, 1875 sa Trozo, Manila.. Siya ay anak nila Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Namatay agad ang kanyang ama ilang sandali lamang matapos na siya ay isilang na nagtulak sa kanyang ina na ipaampon si Emilio sa kanyang tiyuhin na si Don Jose Dizon upang magkaroon ng magandang buhay. Si Emilio ay bihasa sa pagsasalita ng Tagalog at Kastila pero mas gusto niya ang Kastila. Siya ay nag-aral sa Kolehiyo ng San Juan de Letran at nang maglaon ay lumipat sa Pamantasan ng Sto. Tomas para mag-aral ng batas. Hindi niya natapos ang kurso at sa edad na 20 ay sumapi siya sa isang sikretong samahan na ang pangalan ay Katipunan. Nakilatis ni Bonifacio ang dunong at katapatan ni Jacinto, kaya hinirang niya itong kalihim at fiscal ng Katipunan. Sinulat niya ang sumpang mga sumanib sa Katipunan, at ang kartilya na dapat sundin ng bawat Katipunero. Katulong niBonifacio at ni Valenzuela, sinulat, pinatnugot at nilimbag nila ang Kalayaan, ang pahayagan ng himagsikan. Si Jacinto rin ang nangasiwa ng paggawa ng pulbura at bala ng baril. Siya rin ang pinuno ng mga tiktik  ng Katipunan. Nang mamatay si Bonifacio, ipinagpatuloy ni Jacinto ang paglaban sa mga Kastila bagamat hindi siya sumali sa puwersa ni Aguinaldo. Namatay si Emilio Jacinto sa sakit na malaria noong Abril 16, 1899 sa Majayjay, Laguna sa edad na 23.

No comments:

Post a Comment