Marcelo H. del Pilar.. Ipinanganak siya noong ika-30 ng Agosto taong 1850 sa Cupang, San Nicholas, Bulacan. Ang kanyang mga magulang ay sina Julian del Pilar at Blasa Gatmaytan. Si del Pilar ay nagsimulang mag-aral sa kolehiyong paaralan ni Ginoong Jose A. Flores at lumipat sa Colegio de San Jose at muling lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan huminto siya ng walong taon sa pag-aaral pero natapos din sa kursong abogasya noong 1880. Kilala siya bilang si Plaridel isang matalentong tao, marunong magpiyano, biyolin at Plawta. Mahusay din siya sa larong fencing. Kumakanta siya ng mga serenata at tumutugtog ng magagandang awitin sa biyolin tuwing Flores de Mayo. Naging asawa niya ang kanyang pinsan na si Marciana del
Pilar noong 1878. Nagkaroon sila ng pitong anak. Noong 1878, itinatag ni Plaridel ang Diaryong Tagalog para mailathala angpagpuna at pagpansin kung papaano namamalakad ang gobyernong
Espanyol sa Pilipinas. Tinulungan siya ni Pedro Serrano Laktaw sa
pagpapalathala ng "Dasalan at Tuksuhan" at ng "Pasyong Dapat Ipaalab
ng Puso ng Taong Bayan." Humingi siya ng mga kaukulang pagbabago. Nang pinag-uusig siya ng mga Kastila at noong 1888, tumakas siya patungo ng Espanya. Pagdating sa Espanya ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsusulat. Kasama siya ni Graciano Lopez-Jaena sa paglathala ng La
Solidaridad. Ang pahayagang ito ang naging instrumento sa naglalathala ng kanilang mithiin na mapaunlad ang gobyerno ng Pilipinas. Si Plaridel ang humalili kay Lopez-Jaena bilang editor ng pahayagan. Nagbalik siya sa Pilipinas at sa Bulakan ay natagpuan niya ang mga taong handang makinig sa kanya. Si Del Pilar ay sumulat ng mga propagandistang pamphlet sa paraang maliwanag, mabisa at simpleng Tagalog lamang ang gamit. Namatay siya sa sakit na tuberculosis sa isang maliit na ospital sa Barcelona sa gulang na 46.
No comments:
Post a Comment