Search

Thursday, September 17, 2009

GABRIELA SILANG

MARIA Josefa Gabriela Cari-o Silang ang buong pangalan ng babaeng bayani na mas kilala bilang Gabriela Silang. Siya ay ang unang Pilipinong babae na namuno sa isang paghihimagsik noong kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas. Nang namatay ang asawa niyang si Diego Silang, ipinagpatuloy niya ang pinaglalaban ng asawa.  Siya ay sinilang noong Marso 19, 1731 sa  Sta Caniogan, Ilocos Sur. Nakilala siya sa kasaysayan bilang ang matapang na si Gabriela.
Sa edad na 20, nakipag-isang dibdib siya sa isang matanda ngunit mayamang kilala sa kanilang bayan. Sa tatlong taong pagsasama ay hindi  sila nagkaroon ng anak at hindi nagtagal ay pumanaw ang asawa ni Gabriela. Taong 1757, nakapag-asawa siyang muli at ito ay si Diego Silang at tubong Caba, La Union. Kusang-loob na sumapi si Gabriela sa kilusan ng kanyang asawa. Masidhing layunin nila ang palayain ang buong bayan ng Ilokos mula sa kamay ng mga mapagsamantalang Kastila. Madalas na kasama si Gabriela sa mga labanan upang sumuporta at ipaglaban ang sariling bayan.
Magiting na lumaban ang asawang si Diego sa mga Kastila at napalaya ang Vigan. Sila ay nanirahan sa Vigan magmula noong Setyembre, 1762, hanggang sa mamatay si Diego at muli nitong pagkabiyuda. 

Ang naudlot na pakikipaglaban ni Diego Silang ay buong giting niyang ipinagpatuloy. Subalit sa kasamaang palad, ang kanyang puwersa ay nawalang laban sa libu-libong lakas ng mga Kastila at kawalan iteres ng mga Ingles nang nilagda ng kasunduan sa pagtatapos ng Pitong Taong Digmaan sa Paris noong Pebrero, 1763. Si Gabriela ay dinakip at binitay noong Setyembre 29, 1763. Siya ay tinaguriang Unang Babaing Heneral at Unang Babaing Martir dahil sa kanyang katapangan at kagitingan para sa kapakanan ng bayan. 

No comments:

Post a Comment