Search

Sunday, September 20, 2009

Melchora Aquino


Si Melchora Aquino ay ipinanganak noong Enero 6, 1812, Siya ay tinawag Tandang Sora at kilala din bilang INA NG KATIPUNAN.. Siya ay hindi nagkaroon ng pagkakataong mag-aral subalit kung pakikipagkapwa tao ang pag-uusapan ay nasa kanya na ang mga katangiang maaring ituro ng isang guro sa paaralan, subalit natuto siyang bumasa. Ang kanyang mga magulang ay mga mahirap na magsasaka, sina Juan at Valentina Aquino, sa BaniladCaloocanSiya ay may isang maliit na tindahan sa Balintawak. Siya ay matanda na  noong sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio noong taong 1896.
Siya ay ikinasal kay Fulgencio Ramos, isang cabeza de barrioay may anim na anak. Namatay si Ginoong Ramos noong pitong taong gulang pa lang ang kanilang bunsong anak. Mula noon siya na ang nagtaguyod sa buong pamilya at hindi muling nagpakasal.
Noong Agosto, 1896, ang kalupitan ng mga Kastila ay lalong tumindi dahil sa pagkakatuklas ng nalalapit na paghihimagsik ng mga katipunero ni Andres Bonifacio. Maraming mamamayan ang hinuli at pinahirapan at pilit na pinagtatapat ng tungkol sa mga lihim ng Katipunan. May mga nakatakas at sa kagubatan nakapagtago at dito nila nakatagpo si Tandang Sora. Kinupkop sila ng matanda, pinakain at pinabaunan ng konting salapi at pinapupunta sa lugar na ligtas sa pag-uusig ng mga Kastila. Lahat ng dumudulog sa munting tahanan ni Tandang Sora ay kanyang pinagyayaman, bata man o matanda, babae o lalaki.
Nang malaman ng mga Español ang gawain ni Tandang Sora, na siya ay tumutulong sa mga revolucionariong Pilipino, dinakip siya at, utos ni Gobernador Heneral  Camilo Polavieja, ipinatapon saMarianas Islands. Kilala ito sa Pilipinas bilang Guam.. Bumalik sa Pilipinas si Tandang Sora nang ito ay nasa pamahalaan na ng mga Amerikano. Matandang-matanda na siya at walang nalalabing ari-arian. Nabuhay siyang isang dukha at namatay sa karalitaan noong Marso 2, 1919.

No comments:

Post a Comment