Search

Saturday, August 29, 2009

Biyahe Tayo


Ikaw ba’y nalulungkot
Naiinip, nababagot?
Ikaw ba’y napapagod
Araw gabi’y puro kayod?
Buhay mo ba’y walang saysay
Walang sigla, walang kulay?
Bawa’t araw ba’y pareho
Parang walang pagbabago?
Tara na, biyahe tayo
Kasama ang pamilya
Barkada at buong grupo
Para mag-enjoy nang todo.
Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Napasyal ka na ba
Sa Intramuros at Luneta
Palawan, Vigan at Batanes
Subic, Baguio at Rice Terraces?
Namasdan mo na ba
Ang mga vinta ng Zamboanga
Bulkang Taal, Bulkang Mayon
Beach ng Boracay at La Union?
Tara na, biyahe tayo
Mula Basco hanggang Jolo
Nang makilala ng husto
Ang ating kapwa-Pilipino.
Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
From city to city,
Seven thousand and a hundred plus islas
Sa mahal kong Pilipinas
Luzon, Visayas, Mindanao ating puntahan.
Huwag maging dayuhan sa sariling bayan!
Nasubukan mo na bang
Mag-rapids sa Pagsanjan
Mag-diving sa Anilao
Mag-surfing sa Siargao?
Natikman mo na ba
Ang sisig ng Pampanga
Duriang Davao, Bangus Dagupan
Bicol Express at Lechong Balayan?
Tara na, biyahe tayo,
Nang makatulong kahit pano
Sa pag-unlad ng kabuhayan
Ng ating mga kababayan.
Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Nakisaya ka na ba
Sa Pahiyas at Masskara
Moriones at Ati-Atihan
Sinulog at Kadayawan?
Namiesta ka na ba
Sa Peñafrancia sa Naga
Umakyat sa Antipolo
Nagsayaw sa Obando?
Tara na, biyahe tayo
Upang ating matamo
Ligaya at pagkakaibigan
Kaunlaran, kapayapaan.
Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Tara na, biyahe tayo
Upang ating matamo
Ligaya at pagkakaibigan
Kaunlaran, kapayapaan.
Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Halika, biyahe tayo…

No comments:

Post a Comment