Search

Monday, August 31, 2009

Mga Presidente ng Pilipinas

1. Emilio Aguinaldo (1899-1901)
2. Manuel L. Quezon (1935-1941, 1941-1944)
3. Jose P. Laurel (1943-1945)
4. Sergio OsmeƱa (1944-1946)
5. Manuel Roxas (1946-1948)
6.  Elpidio Quirino (1948-1949)
7. Ramon Magsaysay (1953-1957)
8. Carlos P. Garcia (1957-1961)
9. Diosdado Macapagal (1961-1965)
10. Ferdinand E. Marcos (1965-1969, 1969-1972, 1972-1981)
11. Corazon C. Aquino (1986-1992)
12. Fidel V. Ramos (1992-1998)
13. Joseph Ejercito Estrada (1998-2001)
14. Gloria Macapagal-Arroyo (2001 - Present)

Saturday, August 29, 2009

Pilipinas


Kay tagal kong hinahanap
Ang bayang pinapangarap
Sa lungkot ko ay panlunas
Ginagalugad ang kanluran
Bawat sulok ng silangan
sa halip na Pilipinas

[Refrain]

Pilipinas, Pilipinas
Ipinagpala ng Maykapal
Pilipinas, Pilipinas
Bayan kong pinakamamahal
Sa lungsod ay iyong dalawin
Ang magagandang tanawin
Sa Ilokos hanggang Bicol
Ika’y dumako sa Visayas
Sa dalaga ay sagana
Mindanao ay may halina
Ang talon, Ma. Cristina
At binata’y makisig
Tayo na sa Pilipinas
Ang dakilang pilipinas
Bayang pili sa daigdig

[repeat refrain]

Sariling Bayan


Ang bayan kong hirang
Pilipinas ang pangalan
Perlas ng silanganan
Sa taglay na kariktan
Ngunit sawimpalad
Dahil sa mithing paglaya
Laging lumuluha sa pagdalangin
Kay tamis mabuhay sa sariling bayan
simoy ng amihan tinig ng kundiman
sa hardin ng bulaklak
Ang bango ay matimyas
Ginto ay liwanag
Tigip ng paglingap

Pilipinas Kong Mahal

Ang bayan ko’y tanging ikaw
Pilipinas kong mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo’y ibibigay
Tungkulin ko’y gagampanan
Na lagi kang paglilingkuran
Ang laya mo’y babantayan
Pilipinas kong mahal(hirang)

Bayan kong Pilipinas


Ang bayan kong minamahal
ang bayan kong Pilipinas
Sa dugong pinuhunanan
Makamtan lang ang kalayaan
O bayan kong minumutya
Ako’y handang magpakasakit
Ang buhay ko’y nakalaan
sa iyo mahal kong bayan
Perlas ng Silanganan
May likas kang kayamanan
Dahil dito’y inagaw ka ng mga dayuhan
Kaya dapat kang bantayan
Ingatan ka mahal kong bayan

Biyahe Tayo


Ikaw ba’y nalulungkot
Naiinip, nababagot?
Ikaw ba’y napapagod
Araw gabi’y puro kayod?
Buhay mo ba’y walang saysay
Walang sigla, walang kulay?
Bawa’t araw ba’y pareho
Parang walang pagbabago?
Tara na, biyahe tayo
Kasama ang pamilya
Barkada at buong grupo
Para mag-enjoy nang todo.
Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Napasyal ka na ba
Sa Intramuros at Luneta
Palawan, Vigan at Batanes
Subic, Baguio at Rice Terraces?
Namasdan mo na ba
Ang mga vinta ng Zamboanga
Bulkang Taal, Bulkang Mayon
Beach ng Boracay at La Union?
Tara na, biyahe tayo
Mula Basco hanggang Jolo
Nang makilala ng husto
Ang ating kapwa-Pilipino.
Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
From city to city,
Seven thousand and a hundred plus islas
Sa mahal kong Pilipinas
Luzon, Visayas, Mindanao ating puntahan.
Huwag maging dayuhan sa sariling bayan!
Nasubukan mo na bang
Mag-rapids sa Pagsanjan
Mag-diving sa Anilao
Mag-surfing sa Siargao?
Natikman mo na ba
Ang sisig ng Pampanga
Duriang Davao, Bangus Dagupan
Bicol Express at Lechong Balayan?
Tara na, biyahe tayo,
Nang makatulong kahit pano
Sa pag-unlad ng kabuhayan
Ng ating mga kababayan.
Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Nakisaya ka na ba
Sa Pahiyas at Masskara
Moriones at Ati-Atihan
Sinulog at Kadayawan?
Namiesta ka na ba
Sa PeƱafrancia sa Naga
Umakyat sa Antipolo
Nagsayaw sa Obando?
Tara na, biyahe tayo
Upang ating matamo
Ligaya at pagkakaibigan
Kaunlaran, kapayapaan.
Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Tara na, biyahe tayo
Upang ating matamo
Ligaya at pagkakaibigan
Kaunlaran, kapayapaan.
Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Halika, biyahe tayo…

Friday, August 28, 2009

PANATANG MAKABAYAN

Iniibig ko ang Pilipinas 
Ito ang aking lupang sinilangan 
Ito ang tahanan ng aking lahi 
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan 
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang 
Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang 
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan 
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas 
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at ng buong katapatan 
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa. 

Bayan Ko

Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag

At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa

Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya

Thursday, August 27, 2009

Pambansang Awit ng Pilipinas


Lupang Hinirang
Bayang Magiliw
Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso
Sa dibdib mo’y buhay.
Lupang hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
‘Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula at awit
Sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma’y ‘di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na ‘pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa ‘yo.

Mga Pangunahing Destinasyon sa Pilipinas



Mga Pangunahing Destinasyon sa Pilipinas



  1. Manila
  2. Boracay
  3. Cebu
  4. Bohol
  5. Puerto Princesa
  6. Sagada
  7. Zambales
  8. Baguio
  9. Corregidor Island
  10. Coron
  11. El Nido
  12. Tagaytay
  13. Vigan
  14. Palawan
  15. Banaue
  16. Subic
  17. Cagayan de Oro
  18. Makati
  19. Panglao Island
  20. Alaminos

Mga Kilalang Dalampasigan / Aplaya sa Pilipinas




Mga Kilalang Dalampasigan / Aplaya sa Pilipinas

1. Boracay
2. Pagudpud
3. Mactan Island
4. Panglao
5. Camiguin
6. Dakak
7. Honda Bay
8. El Nido
9. Pearl Farm
10. Siargao