Search

Sunday, September 6, 2009

Pambansang Kasuotang Panlalaki ng Pilipinas


Ang Barong Tagalog ay ang Pambansang Kasuotan ng mga Pilipino.. Ito ay magaan at burdadong pormal na kasuotan. Karaniwang ginagamit ito sa mga kasal at pangpormal na kasuotan sa mga kaganapan o okasyon. Ang barong ay naging pormal na pambansang kasuotan noong panahon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos. Karamihang gawa sa telang Pinya o jusi. Unang yari ang telang jusi sa abaca o seda ng saging, ngunit napalitan ito noong dekada 1960 ng mga inangkat na mga sedang organsa. Mekanikong tinatahi ang jusi at mas matibay kaysa telang pinya na tinatahi sa pamamagitan ng kamay at mas maselan.

No comments:

Post a Comment