Search

Sunday, September 6, 2009

Pambansang Kasuotang Pambabae ng Pilipinas

Ang Baro't Saya ay kasuotang pambansa para sa mga pilipina.. Ito ay manipis at binurdahang pang-itaas at palda o saya na makulay at karaniwang guhitan.. Ang sapin ay paa ay ang bakya. Ang mga kababaihang nagsusuot nito ay may hawak ding abaniko upang gawing pantakip sa kanilang mukha o kaya'y sa kanilang dibdib, Dati ay naging kasuotan na ng mga katutubo ang isang mahabang tela na mahigpit nilang itinatapis sa kanilang baywang upang takpan ang ibabang bahagi ng kanilang katawan. Nang isuot ng mga pilipina ang baro't saya ay naging kaugalian pa rin nila ang pagsusuot ng tapis at ito ay ipinapatong nila sa kanilang baro't saya. Ang saya ay umaabot hanggang bukung-bukong at kung minsan ay sumasayad pa sa lupa..

No comments:

Post a Comment