Search

Sunday, September 6, 2009

Pambansang Hayop ng Pilipinas

Ang kalabaw ay itinuturing na Pambansang Hayop ng Pilipinas. Kasa kasama sa bukid at ang matalik na kaibigan ng magsasaka at ang masasabing pinakamahalagang hayop sa mga palayan. Ito ay ginagamit sa pagsasaka, pagdadala ng mga produkto patungo sa pamilihang-bayan at isa ring magandang pinagkukunan ng gatas at karne. Ang kalaaw ay karaniwang makikita sa mga probinsya. Nakatira ang kalabaw sa mabasa at madamong kapaligiran. Bagaman na isang hayop na pang-lupa, ang kakulangan nito sa sweat glands ay isang dahilan upang ito ay kumunsumo ng madaming tubig sa pamamagitan ng pag-inom at paglublob sa tubig.
Madaling mapagod ang kalabaw kapag nasa ilalim ng init ng araw, Kaya ito ay laging pipaliguan sa mga ilog habang nasa bukid at madalas maglublob sa mga putikan. Ang kalabaw ay karaniwang kulay itim subalit mayroon  din ibang kulay tulad ng puti.
Kumakain ito ng damo, dahon at iba pang mga gulay. Ito rin ay maaaring kumain ng darak at pulot na may halong tubig. Karaniwang nabubuhay ang isang kalabaw sa loob ng 25 taon.

No comments:

Post a Comment