Si Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda, ay ang
pambansang bayani ng pilipinas na anak ni Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonzo Realonda. ipinanganak si Rizal noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Ang kanyang unang guro ay ang kanyang ina at inumpisahan niya ang kanyang pag-aaral sa kanilang tahanan at ipinagpatuloy niya ito sa Binyan, Laguna. Nag-aral siya ng Batsiler en Artes sa Ateneo de Manila noong ika-23 ng Marso, 1876 at nagkamit ng pinakamataas na marka. Noong 1877 kumuha siya ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas at surbeying sa Ateneo. Nagtapos naman siya ng Medisina at Pilosopiya noong 1885 sa Pamantasang Sentral ng Madrid. At habang nasa Eropa, kumuha siya ng mataas na pag-aaral sa Paris at Heidelberg. Natuto siya ng ibat-ibang wika at pananalita kasama ang Griyego at Latin.
Ang dalawang alklat ni Rizal, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang naging masamang palatandaan sa kanya ng mga prayleng Kastila. Ibinunyag ng mga aklat na ito ang mga kalupitan ng mga prayle sa Pilipinas, ang kabulukanng pamamalakad ng Gobiyernong Kastila sa Pilipinas at mga masasamang bisyo ng kaparian.
Bumalik siya sa Pilipinas noong Hunyo, 1892 at noong ika-3 ng Hulyo ng taong ito, itinatag niya ang La Liga Filipina, layon ang pagkakaisa ng mga Pilipino, at ang pag-unlad sa larangan ng pangangalakal, industriya at pamumukid.
Noong ika-6 ng Hulyo, 1892 ikinulong siya sa Fort Santiyago, at noong ika-14 ng Hulyo, pinalayas siya sa Dapitan kung saan siya namalagi ng apat na taon, ginagamot ang mga may sakit, nagsilbing gabay sa mga tao sa pagtayo ng paaralan at sa paggawa ng malinis, maganda at mapayapang kapaligiran.
Si Rizal ay naaresto noong ika-3 ng Septiyembre habang papunta siyang Kuba upang maglingkod bilang boluntaryong doktor at ibinalik sa Pilipinas.Noong ika-3 ng Nobiyembre ikinulong siya muli ng pangalawang beses sa Fort Santiago.
Noong ika-26 ng Disiyembre, 1896 pagkatapos ng pagkukunwaring paglitis,si Rizal ay nahatulan ng kamatayan, bintang sa kanya ang pagkakalat ng mga adhikain ng rebolusiyon. Siya ay binaril at namatay noong ika-30 ng Disiyembre, 1896; isang nilalang na maraming natamo sa buhay: isang maraming alam na pananalita, makata, iskolar, siyentipiko, pintor, guro,at taga-reporma. Bago siya tuluyang pumanaw, iniwan niya sa ating bayan ang kanyang pinakadakilang tula, ang Mi Ultimo A Dios ( Ang Aking Huling Paalam) upang magsilbing inspirasiyon sa mga sumunod na henerasiyon.
Search
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment