Search

Monday, September 7, 2009

Pambansang Sayaw ng Pilipinas


Ang Cariñosa ay ang Pambansang Sayaw ng Pilipinas. Ito ay isang magiliw na sayaw na magkapareha ang babae at lalake na parang nagliligawan. Taong 1992 nang palitan nito ang Tinikling bilang pambansang sayaw ng Pilipinas.
Ang salitang Karinyosa ay nangangahulugan ng mapagmahal at mapag-aruga na hango sa pamamaraan ng pag-indak at pag-indayog ng mga mananayaw nito sa saliw ng mabining awitin. Kapuna-puna sa mga sayaw ng mga Filipino, kabilang na ang cariñosa, ang pagpapakita ng matinding emosyon o damdamin. Sa cariñosa, ang babaeng mananayaw ay may hawak na panyo o pamaypay na panaka-naka niyang ipinangkukubli sa kaniyang mukha habang mayuming umiindak. Ang lalakeng mananayaw naman ay sumasayaw sa tila nang-aamong pamamaraan habang nakatingin sa mga mata ng kaparehang babae. Sa ganitong mga galaw ay makikita na ang mga mananayaw ay tila nagpapakita ng pagsinta sa isa't isa.

1 comment: