Search
Tuesday, September 8, 2009
Nagsasariling Rehiyon ng Muslim na Mindanao
Ang Nagsasariling Rehiyon ng Muslim sa Mindanao (Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM) ay isang rehiyon ng Pilipinas ay binubuo ng anim lalawigan at isang lungsod: ang Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi, Shariff Kabunsuan at ang Lungsod Marawi. Isang sentrong panrehiyon ang Lungsod Cotabato at luklukan ng pamahalaan sa rehiyon ng ARMM, ngunit bahagi ng Rehiyong XII ang lungsod.
Caraga : Rehiyon XIII
Ang Rehiyon XIII ng Pilipinas ay ang Caraga. ito ay isang rehiyon ng Pilipinas na matatagpuan sa hilagang silangang bahagi ng pulo ng Mindanao. Ang Rehiyon ay binubuo ng apat na lalawigan at ito ay ang Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte at Surigao del Sur.
SOCCSKSARGEN : Rehiyon XII
Ang Rehiyon XII ng Pilipinas ay ang SOCCSKSARGEN (makikita sa mapa sa itaas). Ito ay may apat na lalawigan sa rehiyon at ito ay ang South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani. Ang Lungsod ng Koronadal ang sentrong pang-rehiyon na matatagpuan sa Timog Cotabato.
Rehiyon ng Davao : Rehiyon XI
Ang Rehiyon XI ng Pilipinas ay ang Rehiyon ng Davao (makikita sa mapa sa itaas). Ito ay binubuo ng mga lalawigan ng Davao del Sur, Davao del Norte, Davao Oriental at Compostela Valley.
Hilagang Mindanao : Rehiyong X
Ang Rehiyong X ng Pilipinas ay ang Hilagang Mindanao (makikita sa mapa sa itaas). Ito ay mas kilala sa katawagang Rehiyong Sampu o Rehiyong X. Binubuo ito ng Bukidnon, Camiguin, Lanao del Norte, Misamis Occidental, at Misamis Oriental. Ang gitnang administratibo ng rehiyon ay ang Lungsod ng Cagayan de Oro.
Tangway ng Zamboanga : Rehiyon IX
Ang Rehiyon IX ng pilipinas ay ang Tangway ng Zamboanga (makikita sa mapa sa itaas). Ito ay isang tangway at rehiyong pampangasiwaan sa tangway na iyon sa Pilipinas. Itinalaga bilang Rehiyon IX, binubuo ng tatlong lalawigan ang Tangway ng Zamboanga. Ang mga ito ay Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay.
Silangang Visayas : Rehiyon VIII
Ang Rehiyon VIII ng pilipinas ay ang Silangang Visayas (makikita sa mapa sa itaas). Binubuo ito ng anim na lalawigan at ito ay ang Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Samar, at Southern Leyte. Ang kabiserang panrehiyon ay ang Lungsod ng Tacloban.
Subscribe to:
Posts (Atom)





